Public Works Secretary Manuel Bonoan
Ni Estong Reyes
KINUWESTIYON ni Senador Grace Poe ang pagtatayo ng multi-purpose buildings na nakakuha ng mas malaking pondo sa 2024 National Expenditures Program (NEP) kaysa magtayo ng bagong silid-aralan na kapos ng mahigit 159,000.
Sa ginanap na pagdinig n Senate finance committee sa panukalang badyet ng Department of Public Works and Highways na P821.107 billion sa 2024, sinabi ni Poe na umabot sa P41.19 bilyon ang pondong inilaan ng administrasyong Marcos sa pagtatayo ng bagong multi-purpose buildings habang P26.12 bilyon lang ang nakalaan sa pagtatayo ng bagong silid-aralan sa buong bansa.
“Akalain ninyo na may kulang tayo na 159,000 classrooms pero ‘yung budget sa multi-purpose buildings mas malaki pa kaysa sa pagpapagawa ng classrooms,” ayon kay Poe.
“We have a shortage of 159,000 classrooms nationwide. So why do you think there’s this disparity?” giit pa ni Poe.
Ikinatuwiran ni Public Works Secretary Manuel Bonoan na inilagay lamang ang naturang pondo sa pagpapatayo ng multi-purpose buildings, base sa priority infrastructure projects na tinukoy ng bawat miyembro ng Kongreso.
“What I can say is this is the consolidated priority projects of all legislative districts and this is part of their, what we call local infrastructure projects that we have given, allocated for members of Congress actually to prioritize and this is what we have consolidated,” giit ni Bonoan.
Kahit kanyang naiintindihan ang pagtatayo ng bagong multi-purpose buildings sa bawat lokalidad, dapat may awtorisasyon ang DPWH kung alin ang bibigyan ng prayoridad sa infrastructure project.
“Now we understand, all of us here, we want to help barangays to also have a place to get together and have sports and activities, pero di ba dapat may say ang DPWH na sabihin na ‘Ah sa distrito niyo, parang mas kailangan niyo ng classrooms kaysa multi-purpose buildings. Don’t you have that discretion?” ayon kay Poe.
Ayon naman kay Bonoan, maaari silang pagsuhestiyon pero ang pinal na desisyon ay base sa prayoridad ng distrito.
“We can always suggest, but at the end of the day, well to be candid about it, it’s actually the priorities, whatever the priorities for the district,” aniya.
Kamakailan, inihayag ng Department of Education na kailangan ng P397 billion upang tugunan ang 159,000-classroom backlog sa buong bansa.
