Courtesy: NPD PIO
KINASUHAN na ng vote-buying sa Navotas Regional Trial court ang babae na nahuli na namumudmod ng pera sa resideteng botante sa isang barangay sa Malabon.
Nag-isyu na ng resolusyon ang Navotas City Prosecutor’s Office para kasuhan si Maribel Policarpio sa paglabag sa Section 261 (a) 1 ng Omnibus Election Code.
Isinampa na rin ang impormasyon sa Office of the Clerk of Court ng Navotas City RTC.
Kinatawan naman ng Navotas City Comelec office ang abogadong si Gregorio Bonifacio para kasuhan si Policarpio.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon tungkol sa miting na inorganisa ni Policarpio.
Nang puntahan ng mga pulis, nahuli si Policarpio sa aktong namamahagi ng sobra na may laman na P300.
Nakuha rin sa kanya ang photocopy ng ID ng mga resident eng Barangay Longos sa Malabon, dokumento na may impormasyon ng botante at poster ng barangay captain candidate.
Ang reklamo laban sa kanya ay suportado ng may 198 testigo, ayon pa sa report.
