PATAY SA bakbakan sa pagitan ng mga komunista at pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang limang pinaniniwalaang miyembro New People’s Army (NPA) sa bayan ng Bilar lalawigan ng Bohol.
Ayon kay Col. Louie Demaala ng Philippine Army public affairs office, kabilang sa mga nasawi sa madugong sagupaan ang isang Jaspe Compoc alyas Ompoc na ayon sa AFP Visayas Command ay may P2.6-milyong gantimpala sa ulo.
“…Domingo Compoc who has a bounty of 2.6 million is wanted for several cases including rebellion, homicide, attempted homicide, multiple murder, frustrated murder, and robbery,” ayon sa pahayag ng AFP Visayas Command.
Sa panig ng pamahalaan sugatan naman sa palitan ng putok ang isang hindi pinangalanang pulis.
