SUSPENDIDO muna ang pagdalaw sa mga persons deprived of liberty (PDL) na nanunuluyan sa Manila City Jail matapos sumiklab ang riot na ikinasugat ng walong preso mula sa magkalabang pangkat.
Pag-amin ni Manila City Jail Spokesperson Jayrez Joseph Bustanera, dakonng alas dos ng hapon noong Abril 12 nang maganap ang sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng Bahala na Gang at Commando.
Sa walong sugatan, anim ang kasapi di umano ng Commando Gang habang dalawa naman sa hanay ng Bahala. Sa hanay ng Commando, tatlo ang isinugod sa pagamutan bunsod ng matinding pinsala sa katawan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Jail Management and Management hinggil sa insidenteng naganap sa gitna ng isang sports activity sa Manila City Jail.
