HINIMOK ni Health reform advocate Tony Leachon ang gobyerno na iutos ang dalawang linggong pagsusuot ng face mask upang mapigilan ang pagkalat pa ng Covid-19 virus sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit nito.
“The COVID is increasing because President Ferdinand Marcos, Jr. just recovered, Mayor Vico Sotto and a lot of personalities as well. It’s all over the place,” sabi ni Leachon sa ANC Headstart.
Si Leachon, dating adviser ng national task force ng gobyerno, ay nagsabi na naririto pa rin ang virus patunay na tumataas na naman ang bilang ng naapektuhan nito.
“So we need really right now time for the government, on a transitory period, to impose a mandatory face mask in the next 2 weeks given the escalation… and [us] going into the holiday season,” suhestiyon pa nito.
Habang mababa ang bilang ng namamatay sa sakit, nangangamba si Leachon sa epekto ng coronavirus.
“I’m concerned more on the quality of life, the morbidity, isolation, plus the occurrence of long COVID syndrome and we cannot afford this kind of situation considering were not actively vaccinating right now,” sabi pa nito.
Sa kabila nito, kinalma ni Leachon ang publiko sa bagong COVID variant na JN.1.
“The risk is actually low in terms of public health concern, we’re not worried about mortality,” sabi pa nito.