TULAD ng inaasahan, hindi sinipot ng mga senador na bahagi ng tinaguriang Cayetano bloc ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayunpaman, inamin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na natunghayan pa rin naman umano niya sa telebisyon ang pag-uulat sa bayan ng Pangulo.
“It’s my simple way of protesting pati sa pagba-black,” wika ni Cayetano.
“Unlike in 1986-87 na ramdam talaga na may question of democracy. Ngayon, syempre it’s more of poverty, economy at saka yung corruption. But I really believe that our democracy is in danger and talagang pag nagsalita ka, target ka bigla,” dugtong pa niya.
Iba naman ang dahilan ni Senador Imee Marcos sa hindi pagdalo sa SONA ng nakababatang kapatid. Aniya, masama ang kanyang loob administrasyon dahil sa pagkakulong ng mga mambabatas na nanindigan kontra korapsyon.
Kabilang rin sa mga nang-isnab sa SONA ni Marcos sina Senador Loren Legarda at Robin Padilla.
