PORMAL nang inindorso ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na draft criminal complaints laban sa tatlong consignees kaugnay ng umano’y ilegal na pag-aangkat ng agricultural products.
Ang mga reklamo ay isinumite sa Department of Finance para sa review at approval alinsunod sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act bago tuluyang isampa sa Department of Justice.
Nag-ugat ang mga kaso sa serye ng operasyon kontra smuggling noong Hunyo ng nakalipas na taon kung saan nasabat ang kargamento ng puting sibuyas, carrots, at frozen mackerel na nagkakahalaga ng mahigit P90 milyon, batay sa price index ng Department of Agriculture. (JULIET PACOT)
