TATLO sa walong mangingisdang Pinoy ang patuloy na hinahanap matapos banggain ng hindi natukoy na barko ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.
Pag-amin ng Philippine Coast Guard (PSG), Enero 30 pa nangyari ang insidente ngunit iniulat lamang noong Linggo.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng bantay-dagat, binangga di umano ng isang barko habang naglalayag malapit sa hangganan ng karagatan ng Pilipinas at Vietnam.
Matapos ang insidente, namataan ng mga tripulante ng MV Dong An ang mga paghingi ng saklolo ng mga mangingisdang Pinoy. Agad naman nasagip ang lima sa walong sakay ng lumubog na bangka.
Wala pang ulat hinggil sa tatlong iba pang nawawala.
