SA halip na ginhawa, kamatayan ang kinahantungan ng talong Overseas Filipino Workers (OFW) matapos masunog ang pinasukan pabrika sa Taiwan.
Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chair Silvestre Bello III, sugatan rin ang limang iba pang Pinoy sa naturang insidente.
Kabilang sa mga nasawi sa sunog sina Renato Larua ng Cavite, Nancy Revilla ng Marinduque at Aroma Miranda ng Tarlac. Sugatan at patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang limang iba pa kabilang sina Sheila May Abas, Jessie Boy Samson, Maricris Fernando, Rodel Uttao at Santiago Suba Jr.
Kwento ni Bello, dakong alas 6:00 ng umaga nang tupukin ng apoy ang ikalawang palapag ng Lian-Hwa Foods Corporation sa lalawigan ng Changhua sa Central Taiwan.
“My heart goes out to them in their hour of extreme sorrow,” ani Bello, kasabay ng pagtitiyak na tutulungan ng gobyerno ng Pilipinas at Taiwan ang mga naulila ng mga pumanaw na manggagawa.
“We are in close coordination with police authorities regarding the incident and investigation, and the swift repatriation of the remains of those who died,” dagdag pa niya.
Ipinagbigay alam na rin aniya ng kanyang tanggapan sa mga pamilya ng biktima ang sinapit na trahedya ng mga manggagawa.
Sa hanay ng mga nasugatan, lahat naman aniya ay ligtas na sa balag ng peligro – maliban kay Fernando na di umano’y nasa Intensive Care Unit (ICU)
“They are still under observation in different hospitals. They suffered severe carbon monoxide poisoning and are currently undergoing hyperbaric oxygen therapy,” sambit ni Bello ilang saglit makaraang personal na bisitahin ang mga OFWs na nasa ospital.
“As of press time and per attending nurse. The feedback is that four of them are already conscious, stable and recovering well. On the other hand, there is still concern regarding the condition of OFW Fernando since she is still in ICU and has not yet regained consciousness. During our visit yesterday, she is undergoing dialysis.”