SA hangaring paluwagin ang mga piitan, inatasan ng Korte Suprema ang mga regional at municipal trial courts sa mga lokalidad na isinailalim sa Alert Level 2 na ituloy ang pagdinig — maski sa pamamagitan ng online — sa mga nakabinbing kaso.
Sa isang memorandum circular ng Korte Suprema, pinahintulutan na rin ang pagbabawas ng pagpasok ng mga empleyado para maiwasan ang siksikan sa mga tanggapan posibleng magkaroon ng hawaan sa gitna ng mga ulat hinggil sa mabilis na paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Dapat anila manatili ang 50 to 75% workforce sa mga regional at municipal court hangga’t hindi pa ganap na inaalis ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Alert Level 2 – o hangga’t wala pang direktiba ang Korte Suprema.
Batay sa pinakahuling abiso ng Department of Health, 26 na lalawigan ang isinailalim sa Alert Level 2 bunsod ng mabilis na pagdami ng mga nagpo-positibo.
Sa usapin ng pagdinig, pinapayagan na ulit ng Korte Suprema ang online hearing tatlong beses kada linggo sa kondisyong may abiso sa Office of the Court Administrator.
Pwede rin anilang maghain ng pleading mosyon, at iba pa sa pamamagitan ng koreo, pribadong courier, o e-mail.
“In addition, all health and safety protocols against COVID-19 prescribed by the Court and the OCA, as well as those required by the IATF and the Department of Health, shall be complied with whatever is the Alert Level of a particular area,”