SA gitna ng matinding pagsubok na kalakip ng kapalpakan ng gobyerno, sumipa sa 9.6 milyong Pilipino ang nahahanay ngayon sa kategorya ng mga walang trabaho.
Sa datos ng Social Weather Station, umakyat sa 21.3% ang antas ng unemployed noong Disyembre 2022, mula sa 18.6% noong Oktubre ng nasabing rin taon.
Iba naman ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), na nagsabing 4.3% lang ang unemployment rate sa bansa noong buwan ng Disyembre mula sa 4.2% na naitala para sa buwan ng Nobyembre.
Giit ni National Statistician Dennis Mapa sa maliit lang ang nadagdag na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho — “The difference between the December and November figures is not significantly different statistically.”
Hindi hamak rin aniyang mas mababa ang naturang bilang kumpara sa datos ng 2021.
Batay sa kalakip na impormasyon ni Mapa sa huling bahagi ng nakalipas na taon, lumalabas na mayroong 2.2 milyong Pilipino ang nag-agawan para sa limitadong bilang ng mga bakanteng pwesto sa mga pribadong kumpanya at maging sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.
“Still, this was much better than the jobs market a year earlier when there were 3.28 million unemployed or 1.06 million more in December 2021. Back then, the unemployment rate was 6.6 percent,” ani Mapa.