
ISA’T kalahating buwan bago ang takdang araw ng halalan, nasipat ng Commission on Elections ang depekto sa tinatayang apat na milyong balota.
Gayunpaman, pinawi ni Comelec chairman George Garcia ang pangamba ng mga botante.
Garantiya ni Garcia, papalitan ng poll body ang mga depektibong balota bago pa man sumapit ang takdang araw ng halalan.
Nang hingan ng detalye sa sinasabing depekto, partikular na tinukoy ng Comelec chief ang mas maliit na sukat ng balotang nakalaan sa Bangsamoro.
Meron din aniyang mga balotang nakitaan ng labjs na bakas ng tinta.
Mula sa kabuuang mahigit 68 milyong balota, 40% pa aniya ang kailangan iberipika.
Pagtitiyak ni Garcia, hindi magagahol ang Comelec sa paglilimbag, panibagong beripikasyon at paghahatid ng balota sa mga presinto.