
DADAAN sa butas ng karayom ang anumang panukalang batas na lilikha ng takot sa mga kritiko, ayon kat Senate President Francis Escudero.
Para kay Escudero, malinaw ang nakasaad sa 1987 Constitution hinggil sa kalayaan sa pamamahayag, opinyon at saloobin.
“Malinaw naman at klaro ang nakasaad sa Saligang Batas, Article 3 Section 4 na “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression o of the press…”
Bago pa man naglabas ng pahayag si Escudero, naglunsad ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media platforms.
“Wala akong nalalamang pending na measure sa Senado kaugnay sa bagay na yan na tinalakay na sa plenaryo. Kung meron man ay nasa komite pa lamang yan,” wika ni Escudero.
“Hindi dapat magpasa ng batas ang Kongreso na tataliwas dito so ang magandang timbangan, o susi at tulay sa anumang batas na ipapasa kaugnay ng fake news,” aniya.
Gayunpaman, nilknaw ni Escudero na may limitasyon ang kalayaan at karapatang nakasaad sa 1987 Cknstitution
“Hindi dapat ito tumawid dun sa paglalapastangan sa karapatan ng ating mga kababayan na malayang makapagsalita kaugnay sa kanilang nararamdaman at nasa isip, totoo man yun o hindi. Dahil pakiramdam at opinyon yun eh. Iba yung nagsasaad ka ng pawang kasinungalingan at pinapasa mo bilang katotohanan, magkaiba yun,” paliwanag pa ng senador.
“Hindi unlimited ang kapangyarihan ng isang taong magsalita pero hindi rin natin dapat, hindi rin tayo dapat gumawa ng anumang bagay na magko-constitute ng tinatawag nating prior restraint o isang bagay na maaaring magbigay ng takot para pumigil sa ating mga kababayan na ilahad kung anong nasa sa isip at nasa sa puso nila.” (ESTONG REYES)