INIHAYAG ng Land and Transportation Office (LTO) na mayroong apat na milyong plastic driver’s license cards ang inihahanda na para ipamahagi sa buong bansa sa 2024.
Ito umano ay inaasahang tutugon sa kasalukuyang backlog, ayon kay LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza. “So we’ll make the announcement tomorrow or by Monday. ‘Yung mga magre-renew, and maaasahan nila ‘di na papel. We are back on track as long as plastic cards are concerned,” sabi pa nito.
Kada taon, anim at kalahating milyong bagong lisensiya ang iniisyu ng LTO.
Sinabi rin ng LTO na agaran din ang pag-iisyu ng show cause order laban sa car dealership o regional LTO offices na magbabagal sa pagproseso ng plaka.
“Nandyan na yung mga plaka e, advanced tayo e. Repositioning na tayo sa mga regions, so there’s no reason why na hindi dapat lumabas ang plaka kagad,” sabi ni Mendoza.
