
DALAWANG araw matapos ang pormal na paghahayag sa 12 nanalong senador, iprinoklama naman ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes ang 52 part-list groups na nanalo sa katatapos na halalan.
Sa proklamasyon na idinaos sa Manila Hotel Tent City, hindi isinama ang Duterte Youth na nakakuha ng tatlong upuan para maging kinatawan sa Kamara de Representantes, at ang Bagong Henerasyon na may isang upuan.
Ang Akbayan Partylist, ang nakakuha ng pinakamaraming boto — higit pa sa antas na kailangan para sa tatlong nominado ng grupo.
Tatlong upuan din ang nakuha ng Tingog Partylist, na ang kasalukuyang kinatawan ay si Representative Yedda Romualdez, na asawa ni House Speaker Martin Romualdez.
Bagamat nakakuha ng 2.3 milyong boto ang Duterte Youth, etsa-pwera ang naturang grupo bunsod ng legal na usapin kaugnay ng partylist registration na isinumite anim na taon na ang nakalipas.
Pasok din sa talaan ng mga waging partylist groups ang 4Ps, ACT-CIS at Ako Bicol na may tig-dalawang congressional seats.
Tig-isang kinatawan naman sa Kamara ang mga sumusunod:
- USWAG-llonggo
- Solid North
- Trabaho
- Cibac
- Malasakit@Bayanihan
- Senior Citizen
- PPP
- ML
- FPJ Panday Bayanihan
- United Senior Citizens
- 4K
- LPGMA
- COOP-NATCCO
- AKO BISAYA
- CWS
- PINOY WORKERS
- AGAP
- ASENSO PINOY
- AGIMAT
- TGP
- SAGIP
- ALONA
- 1-RIDER PARTYLIST
- KAMANGGAGAWA
- GP (GALING SA PUSO)
- KAMALAYAN
- BICOL SARO
- KUSUG TAUSUG
- ACT-TEACHERS
- ONE COOP
- KM NGAYON NA
- ABAMIN
- TUCP
- KABATAAN
- APEC
- MAGBUBUKID
- 1TAHANAN
- AKO ILOCANO AKO
- MANILA TEACHERS
- NANAY
- KAPUSO PM
- SSS-GSIS PENSYONADO
- DUMPER PTDA
- ABANG LINGKOD
- PUSONG PINOY
- SWERTE
- PHILRECA
Bagamat, sapat ang kabuuang bilang ng boto, hindi rin nakasama sa mga proklamado ang Bagong Henerasyon partylist group na nahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code.