SA dami at lawak ng nakalap na ebidensya at testimonya, target ng House Prosecution panel hilingin sa impeachment court ang paglalaan ng 62 “trial dates” para magprisinta ng mga patunay at testimonyang tatapos sa career ni Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ni Atty. Jay Tolosa na tumatayong private prosecutor at legal spokesperson, ang kahilingan ay batay sa dami ng mga witnesses at pruwebang tinukoy sa pre-trial brief.
Nilinaw naman ni Tolosa na ang trial dates ay hindi katumbas ng 62 araw dahil maaari mas mabawasan ang bilang ng trial days kung papayag ang impeachment court na magprisinta ng dalawa o higit pang testigo sa isang araw.
Kapuna-puna naman aniya na bagamat 30 trial dates ang nais ng depensa, nasa 97 nakalistang testigo — kabilang ang mga tinatawag na “hostile witnesses” na kasama sa mga ipiprinta ng House prosecution team.
“So it’s a question of how come they listed 97 witnesses but they only asked for 30 trials? Maybe it is an indication that there’s really no intention to produce all of those witnesses, but of course, we don’t want to preempt what actions they would want to do,” dagdag ni Tolosa
Aniya, mayroong 51 common witnesses ang dalawang panig, na kinabibilangan ng 16 named witnesses at 35 unnamed witnesses.
“For the exhibits, we have 248 common exhibits, meaning 248 out of the 276 exhibits of the prosecution were basically copied also in their pre-trial brief or listed also as their evidence,” paglalahad pa ni Tolosa.
Samantala, sinabi ni Tolosa ang pinal na bilang ng trial dates ay ilalabas ng senate impeachment court sa bisa ng pre-trial order.
