TAPOS na ang paglilimbag ng humigit kumulang 92 milyong balotang gagamitin sa nalalapit na Barangay – Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre, ayon kay Director Rex Laudiangco na tumatayong tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Laudiangco, ang mabilis na pagpapa imprenta ng mga balota ay isa lamang patunay ng kahandaan ng poll body sa halalang dalawang ulit ng naantala.
Paglilinaw ng opisyal, madagdagan pa ang naturang bilang ng balota – para sa mga bago pa lang nakapag rehistro at yaong aniya’y botanteng ‘re-activated.
Gayunpaman, kailangan pa rin aniyang magsagawa ng pagsasanay ang Comelec sa hanay ng mga gurong tutulong sa halalan bilang mga miyembro ng election board.