MATAPOS ang paghirang kay Gen. Rodolfo Azurin, itinalaga naman sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isa pang retiradong heneral para pamunuan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC)
Sa isang seremonya sa Palasyo, personal na pinangasiwaan ni Marcos ang panunumpa ni former Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. bilang bagong executive director ng PAOCC.
Pinalitan ni Acorda si Gilbert Cruz na dating pinuno ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Sa datos ng Palasyo, nagtapos sa Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991 si Acorda na nanungkulan bilang ika-29 hepe ng pambansang kapulisan.
Dati na rin nagsilbi si Acorda bilang PNP Director for Intelligence at Regional Director ng Police Regional Office 10.
Kabilang sa mga direktiba ng pangulo sa bagong PAOCC chie ang imbestigahan ang mga sindikato at tiwaling opisyal ng pamahalaan, gayundin ang pagsasagawa ng intelligence operations at pagbuo ng mga anti-crime action plan.
