TINUGON ng pamunuan ng Kamara ang sigaw ng sambayanan na wakasan ang paghahari ng angkan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpasok sa pulitika.
Sa ilalim ng House Bill 6771 na inihain ni House Speaker Faustino Dy III at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, partikular na isinusulong ang anti-political dynasty bill — isang panukalang batas na naglalayong pasimulan ang reporma para sa patas , may integridad at maayos na kompetisyon sa larangan ng serbisyo publiko.
Para kay Dy, marapat lamang tumugon ang Kongreso sa probisyong apat na dekada na aniyang hindi pinapasin ng Kongreso sa kabila ng malinaw na probisyon sa ilalim ng 1987 Constitution.
Ayonb kay Dy, napapanahon nang bigyan ng sapat at detalyadong depinisyon ang “political dynasty.”
“Urgent action is needed to uphold political equality and ensure all citizens can participate fairly in governance,” ang nakasaad naman sa explanatory note ng naturang proposed measure.
Ayon sa dalawang top House leaders, base sa isinasaad ng Article II, Section 26 ng 1987 Constitution, “[t]he State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Subalit sa mga nakalipas na panahon, binalewala anila ang nasabing probisyon dahilan para mamayagpag ang dinastiya sa bansa.
“However, despite this constitutional mandate, political dynasties have remained a pervasive feature of Philippine politics due to the absence of an enabling law that defines and prohibits them,” anila pa.
Sa inihaing HB 6771, nais ng dalawang mambabatas na pagbawalan ang asawa, magkapatid at iba pang kamag-anak, hanggang sa fourth civil degree ng isang incumbent elected na magkasabay na humawak ng partikular na elective position.
“Under the proposed measure, siblings or close relatives would no longer be allowed to serve simultaneously in the upper chamber, an initial but consequential barrier against dynastic consolidation at the national level.” (ROMER R. BUTUYAN)
