PORMAL nang inirekomenda ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 26 na personalidad — kabilang ang negosyante at gaming tycoon na si Charlie Atong Ang.
Ito ay matapos makitaan ng state prosecutors ng prima facie evidence na sapat para tiyakin ang hatol ng husgado pabor sa estado.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na nahaharap sa 10 counts ng kidnapping at homicide sina Ang at 25 pang indibidwal na kinabibilangan ng mga pulis — bukod pa sa 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention na inirekomenda rin ng kagawaran laban kay Ang at siyam na iba pa.
Samantala, ibinasura ng DOJ ang reklamo laban sa mga indibidwal na una nang idinawit pero wala sa talaan.
Si Ang ang itinuturong mastermind sa likod ng pagdukot at pagpatay ng hindi bababa sa 100 nawawalang sabungero.
Bagamat una nang itinanggi ang alegasyon, wala pang pahayag ang kampo ni Ang sa anunsyo ng departamento. (JULIET PACOT)
