HINDI pa man nagsisimula ang pagdinig ng kasong may kaugnayan sa missing sabungero, nilayasan agad ng abogado ang itinuturong utak sa pagdukot at pagpatay sa hindi bababa sa 100 katao.
Sa isang pahayag, kinumpirma ni Atty. Lorna Kapunan ang pagkalas sa kampo ni Charlie “Atong” Ang na umano’y mastermind sa kabi-kabilang pagkawala ng mga sabungero bunsod ng tinatawag na game-fixing.
Katwiran ni Kapunan, higit siyang kailangan sa nalalapit na pagsipa ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Kabilang si Atty. Kapunan sa mga itinalagang private prosecutors na makikipagtulungan sa mga kongresistang miyembro ng House prosecution panel.
HIndi naman naging problema sa kampo ni Ang ang paglisan ni Kapunan. Sa sandaling pormal na isampa ang kaso, tatayong tagapagtanggol ni Ang sa korte ang mga abogado mula sa Rondain and Mendiola Law Firm.
Kabilang si Kapunan sa mga private prosecutor na makikipagtulungan sa prosecution team ng House of Representatives sa impeachment trial sa Senado ni Vice President Sara Duterte.
