LIMITADO sa pagpapalaganap ng programa at polisiya ng administrasyon ang pagtutuunang trabaho ng bagong pamunuan ng Presidential Communications Office (PCO).
Sa pagharap ng bagong hirang na PCO Secretary Dave Gomez, hayagang tinabla ang anumang usapin sa politika.
“My role as PCO Secretary will be to communicate and socialize the programs and policies of the President minus the politics. This is what I call my 3Ps minus one. Programs, Policies minus Politics,” wika ni Gomez sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps.
Mahigit isang dekada nagtrabaho bilang peryodista ng Philippine Star si Gomez.
Garantiya ng bagong Kalihim, isusulong ng PCO ang tinatawag na “transparency” sa gobyerno. Tiniyak din ni Gomez na babantayan ang anumang tangkang pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag.
Gayunpaman nilinaw ng PCO chief na mga mamamahayag na hindi pribilehiyo ang tinawag niyang “access to information.” Ito aniya’y pundasyon ng pananagutan at tiwala ng publiko.
“I look forward to working closely with the Malacañang Press Corps,” dagdag ni Gomez. (LOUIE LEGARDA)
