Ni Estong Reyes
TINIYAK ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magbibigay ang Senado ng “considerable” increase sa badyet ng Department of National Defense sa 2024 upang palakasin ang air defense ng Pilipinas.
Inihayag ito ni Zubiri sa ginanap na deliberasyon ng P233.272 bilyong badyet ng ahensiya sa susund na taon matapos ungkatin ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros hinggil sa pondong ilalaan sa missile units at drone units.
“For the record, the Senate is going to increase the budget of the DND particularly on that issue on air defense. Di ko lang babanggitin magkano, pero considerable,” ayon kay Zubiri.
“It would be a Senate initiative and I’m sure the Defense chief will be happy, including [Armed Forces of the Philippines chief] Gen. [Romeo] Brawner, including the men and women of the Armed services,” dagdag niya.
Nakatakdang pag-usapan ng Senado ang espisipikong plano ng DND sa pagpapahusay ng kapabilidad ng bansa sa gaganaping executive session.
“We just want to give them the impression na kung gusto niyong pumasok dito sa amin, dapat magdadalawang isip kayo, kahit na malaki kayong bansa, maliit lang kami, pero meron din kami capability na hindi niyo alam,” ayon naman kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, sponsor ng badyet ng DND.
Samantala, hihilingin naman ni Zubiri na magkaroon ng exemption ang pagbili ng kagamitang militar sa mandatory posting ng bidding sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGeps) website, a central portal ng lahat ng government procurements.
“I think the good secretary will agree with me that when it comes to procurement for the armed services, dapat exempt na sila doon sa Philgeps,” ayon kay Zubiri.
“Ipo-post ng Philgeps kailangan mo ng armas, alam na ng kalaban, bibili sila ng ganitong armas. Di ba? So hindi tama yun,” giit niya.
Sa panukala, magkakaroon ng pagkakataon ang DND na bumili ng armas na hindi mumurahin pero pinaka-pektibo at episyente alinsunod sa ating sitwasyon bilang
archipelagic setup.”
Ayon kay Zubiri, nakikipag-usap na siya kay Budget Secretary Amenah Pangandaman hinggil dito kaya nagmungkahi ito na maglagay ng isang special provision sa 2024 General Appropriations Bill.
“So I have appealed to Senator Angara, our chairperson that will put the special provision because we need it. We know what’s going on around our territorial seas and skies. So kailangan talaga nilang bumili kaagad. Kailangan nilang bumili, they need the ships not tomorrow, but they needed it yesterday. So we’re going to support them with a special provision with the help of my dear colleagues, particularly in the Armed Services. And if we have the support of the minority that will be wonderful,” ayon kay Zubiri.