Ni Jam Navales
NAGPAABOT ng kanyang lubos na pasasalamat si AGRI Partylist Rep. Wilbert T. Lee sa mga kapwa mambabatas, gayundin sa legislative staff na aniya’y kanyang nakatuwang sa unang taon ng panunungkulan sa Kamara..
BAtay sa datos ng Kamara, pito sa kanyang authored bills ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ganap na maging batas, habang meron namang 93 house bills ang pasado na ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng House of Representatives.
Sa kalatas ni Lee sa kanyang official Facebook page, taos-puso rin pinasalamatan ng AGRI partylist solon ang kanyang pamilya sa unawa at suporta – “very blessed kasi mahaba ang pasensya ng aking pamilya.”
“Matindi din ang demands ng public service kasi hindi lang isa boss mo; maraming humihingi ng tulong at maraming kailangan tulungan… Hindi ko magagawa ang tungkulin ko kung wala ang suporta ng aking pamilya,” paglalahad pa ni Lee sa kanyang social media post.
Para sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso, inamin ni Lee, kasabay ng kanyang labis na pasasalamat sa mga ito, na ito ang kanyang unang pagkakataon na magtrabaho sa pamahalaan.
“Bagamat marami akong experience sa larangan ng business, zero ang experience ko sa government work, lalo na ang legislation,” pag-amin ng bagitong kongresista.
“But through the kindness of my colleagues in Congress, I learned the ropes and was able to serve my constituents better. Maraming salamat sa House leadership at sa lahat ng aking mga kasama sa Kongreso,” dugtong niya.
Pinuri rin ng mambabatas ang tinawag niyang “hardworking staff” sa Kongreso, na kanyang pinasasalamatan sa ipinamalas na husay at dedikasyon sa trabaho.
“Your work will benefit a lot of our countrymen, and for this you should be very proud. Thank you for a job well done. In 2023, seven of our bills were signed into law, while 93 of the bills we principally authored and co-authored were passed by Congress on third reading. Iba-iba ang subject ng mga ito, pero iisa ang hangarin: tulungan ang ating mga kababayan para maging Winner Tayo Lahat,” wika pa ni Lee.
Kabilang sa authored bills ni Lee na ganap na naging batas ang Republic Act 11953 (New Agrarian Emancipation Act), ang RA 11956 (Estate Tax Amnesty Extension Act) at RA 11967 (Internet Transactions Act of 2023).
Gayunpaman, nilinaw ng mambabatas na hindi pa tapos ang kanilang trabaho – “marami pang dapat gawin at marami pa ang gagawin natin para sa ating mga kababayan.”
“They need jobs, affordable food, and free medical care. In 2024, we will hit the ground running because the more we accomplish, the more people we can help,” pagtatapos ng kongresista.