Ni Romeo Allan Butuyan II
PARA kay House Speaker Martin Romualdez, ang taong 2023 ay nagsisilbing patunay sa dedikasyon ng mga Pilipino para sa pag-unlad, pagkakaisa, at paglilingkod.
Ayon sa lider ng Kamara, ang mga tagumpay na natamo sa nakalipas na taon ay natatangi at ang naging papel ng bawat isa upang mangyari ito ay mahalaga para mapabuti ang kalagayan ng bawat mamamayan ng bansa.
“As we stand on the threshold of a new year, I find myself reflecting with a heart filled with gratitude and hope on the transformative journey we, the Filipino people, have embarked upon in 2023. This year has been a milestone, a testament to our shared dedication to progress, unity, and service,” pahayag ni Speaker Romualdez.
“The achievements we have realized together are indeed remarkable. The commitment and hard work of each of you, as members of our community, have been pivotal in the passage of critical bills, measures, and resolutions addressing the varied needs of our nation. From economic reforms to social initiatives, these efforts have been about improving the lives of every Filipino,” diin ng lider ng Kamara.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang namumuno sa mahigit 300 kongresista sa bawat isa, sa kanilang dedikasyon at pangakong makibahagi sa tagumpay ng lehislatura na hindi lamang humubog ng kinakailangang polisiya kundi nagpalakas din ng demokrasya.
“Faced with challenges, you have stood resolute in your commitment to our country and our people,” sabi pa ni Romualdez.
“As we look to 2024, let us approach it with a sense of renewed optimism and purpose. The challenges ahead are opportunities for us to innovate, collaborate, and build a nation that echoes the dreams and aspirations of every Filipino. Together, let’s continue to work towards a legislative agenda that responds to the pressing needs of our times,” dagdag pa niya.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Romualdez na magiging masagana ang hinaharap ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“His vision complements our collective desire for progress, and I believe that together, we will enter an era of growth, stability, and mutual success,” giit pa niya.
“I wish every Filipino a Happy New Year. May this year bring us closer to realizing our national aspirations. Let’s continue to uphold the spirit of unity and service in the days to come. Mabuhay ang Pilipinas!”