PARA kay Abra lone district Rep. JB Bernos, halos tiyak na ang pag-abruba ng Kamara sa panukalang Magna Carta na nagbibigay-pagkilala sa ambag ng barangay na direktang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Sa isang kalatas, nagpahayag ng suporta si Bernos sa panukalang batas na akda mismo ni House Speaker Faustino Dy.
Kamakailan lang, isinama na rin ni Dy ang panukalang Magna Carta for Barangays sa priority legislative measures ng Kamara sa hangarin tiyakin ang agarang pag-apruba sa nasabing panukala.
“As a former barangay captain and local executive, the Speaker of course has an intimate knowledge of the plight of our barangays and barangay workers,” wika ni Bernos.
“I am glad that he has identified the Magna Carta as one of his priorities, and the Speaker can definitely count on my support when we tackle the bill in the local government committee,” dagdag pa ng Abra province solon.
Kumbinsido rin ang kongresista ng Abra na malaking bentahe ang panukalang magpapabuti sa kapakanan ng mga barangay at barangay workers sa bansa.
Inilarawan ni Bernos, na nagsilbi rin bilang president emeritus ng League of Municipalities of the Philippines (LMP), ang House Bill No. 3533 bilang “comprehensive in its attempt to truly empower barangays.”
“If we want true local autonomy we should start at the most basic unit, and the Magna Carta for Barangays recognizes the role that barangays and barangay officials could play in creating a better living environment for the people,” aniya pa.
Kumpiyansa si Bernos na ang matagal nang nabinbin sa Kongreso na Magna Carta ay mabilis na uusad at pinal na maa-aprubahan sa lalong madaling panahon dahil na rin sa inisyatiba ng lider ng Kamara.
