November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Bautista nagsampa ng kasong cybercrime vs Mar Valbuena, journo

NAGSAMPA ng cybercrime complaints si Transportation Secretary Jaime Bautista ngayong Martes laban kina Manibela President Mar Valbuena at reporter na si Ira Panganiban sa Department of Justice (DOJ) dahil sa alegasyon ng korupsiyon sa ahensya.

Isinampa ni Bautista ang asunto laban kina Valbuena at Panganiban bunsod ng aniya’y paglabag sa Article 355 in relation to Article 353 of the Revised Penal Code of the Republic Act 10175 or Cyber Crime Prevention Act.

“I cannot allow myself to be the subject of another’s desperate attempt to attain fame, especially when malicious, baseless, and untruthful statements are hurled against me, if only to put a blemish on my untarnished track record and reputation of excellence and integrity,” sabi ni Bautista sa kanyang charge sheet.

Tinanggap ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty ang reklamo.

Iginiit ni Bautista na hindi siya bahagi ng alegasyon ng suhulan sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“For the record, I have never received any bribe of some sort, much less used any amount of money to maintain my position as Secretary of the DOTr,” sabi nito.

Sa kanyang panig, sinabi ni Panganiban na ibinabalita lamang niya ang mga nangyayari.

“I have no idea what this is all about. I have simply been reporting the news just like everyone else has,” sabi nito.

Sinabi rin ni Bautista na nagsumite na sila ng inisyal na resulta ng internal investigation sa mga alegasyon ni Jeff Tumbado sa umano’y suhulan laban kay LTFRB chief Guadiz sa Office of the President.