TINUTUGIS na ng pulisya ang isang Nigerian national na sinasabing suspect sa pagkamatay ng babae sa isang subdivision sa Tanza, Cavite kung saan nasa P8 milyong droga rin ang nasamsam sa loob ng bahay.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng overdose ang ikinamatay ng babae na nakitang walang buhay at hubo’t hubad sa kama sa loob ng bahay sa Phirst Par Subd., Barangay Tanauan, Tanza, Cavite.
Ang naturang Nigerian national umano ang rumerenta sa bahay, batay sa imbestigasyon ng pulisya.
“Wala tayong nakitang anumang foul play sa pagkamatay ng biktima kaya tinitignan natin ang overdose sa droga,” ani Maj Villanueva bagama’t hinihintay pa nila ang resulta ng medico legal.
Ang babae na nasa 30-35 anyos ay sinasabing nagtatrabaho sa bar.
Nagsasagawa naman ang pulisya ng manhunt operation sa Nigerian national na nangungupahan sa nasabing bahay na responsable sa nakuhang droga.
Noong Linggo ng gabi nang matagpuan ang bangkay sa ikalawang palapag ng bahay.
Karagdagang Balita
TALUNANG PARTYLIST SOLON, CITY MAYOR NA NGAYON
POGO SA CEBU BISTADO, CHINESE BOSS KALABOSO
LANDSLIDE PRONE: BARANGAY SA ALBAY, NO MAN’S LAND