
HINDI man hayagang tinukoy, nakahanda ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isakdal hanggang sa mabilanggo ang kapatid ng lalaki ng kanyang Unang Ginang, ayon mismo sa pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos makipagpulong sa punong ehekutibo.
Ayon kay Zubiri, nagbigay katiyakan si Marcos Jr. na ipapakulong ang lahat ng smugglers na di umano’y nasa likod ng pananabotahe sa ekonomiya ng bansa.
Pag-amin ng senador, personal niyang nakausap ang Pangulo hinggil sa isyu ng smuggling at ang mungkahi ni Senador Imee Marcos.
“Ang problema kasi, kinausap ko si Presidente about that, sabi ko, `Mr. President, your sister, your ate, is requesting na sana may mahuling smugglers’,” ani Zubiri.
Bagamat kumasa ang Pangulo sa hamon ng nakatatandang kapatid sa Senado, kailangan muna di umano mangalap ng sapat at matibay na ebidensya para walang lusot ang kakasuhan ng estado.
“Ang sabi niya, kung sa huli, kaya niyang magpahuli, pero ang problema, they want to make sure that maganda yung case files, or dapat
yan ay may sapat na ebidensya,” aniya pa.
Ang dahilan aniya ni Marcos Jr. – walang kwenta ang pag-aresto kung kalaunan ay mababasura ang kaso dahil lang kapos o malabnaw ang ebidensya laban sa mga smugglers.