NANANATILING tikom ang Palasyo sa kontrobersiyang kumakaladlak sa kapatid na lalaki ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Partikular na tinukoy ni dating dating Special Envoy to China Ramon Tulfo si Martin Araneta na di umano’y pasok sa sindikatong nagpupuslit ng sibuyas papasok ng bansa.
Pag-amin ni Tulfo, isinumbong na niya sa Unang Ginang ang nadiskubreng bulilyaso subalit sa halip na kausapin ang kapatid, nagalit pa di umano sa kanya ang abogadang may bahay ng Pangulo.
“We have parted ways. The reason was my text message to her – “Ma’am. Please don’t get mad at me. I’m just trying to help the BBM administration. Please check rumors that your brother Martin is involved in smuggling in the piers. Check before other reporters get hold of the rumors and have a field day. I’ve checked and it seems that rumors have a basis,” ani Tulfo sa kanyang Facebook post.
Sa kabila pa ng pagtamlay ng kanilang “pagkakaibigan,” iginiit ng beteranong peryodista na pagmamahal lang sa bayan ang kanyang motibo.
“To paraphrase Manuel L. Quezon, my loyalty to my friends and relatives ends where my job as a journalist begins,” ani Tulfo. Wala pang pahayag ang Palasyo sa isyung kinasasangkutan ng mismong bayaw ng Pangulo.