
HINDI na nagawa pang tumanggi ni dating Labor Secretary Silvestre Bello III sa hirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na humiling ng kanyang pagbibitiw sa tungkulin bilang chairman Manila Economic and Cultural Office (Meco).
Garantiya ni Bello, tatalima siya sa atas ng Pangulo. Gayunpaman, kailangan muna aniyang pulungin ang seven-member MECO board para sa resolusyon hinggil sa pagpapalit ng liderato ng naturang tanggapan ng gobyerno.
Sa pagbaba sa pwesto ni Bello, nakatakda naman iluklok bilang bagong MECO chairperson si former Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.
Setyembre 5 pa nang magpahiwatig ang Pangulo sa napipintong pagtatalaga kay Garafil sa MECO matapos hirangin ang broadcast journalist na si Cesar Chavez bilang PCO chief.
Gayunpaman, hindi agad inayunan ng noo’y MECO chief ang kusang-loob na pagbibitiw sa tungkulin. Katwiran ni Bello, wala di umanong nabanggit si Marcos na papalitan siya sa pwesto.