
ANIM katao – kabilang ang dalawang sanggol, ang kumpirmadong binawian ng buhay matapos lamunin ng apoy ang isang bahay sa Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), Linggo ng madaling araw nang magsimulang tupukin ng apoy ang isang tatlong palapag na bahay sa Barangay 25 sa nasabing lungsod.
Matapos ang dalawang oras, tuluyang naapula ang sunog na umabot lang sa unang alarma. Gayunpaman, anim na indibidwal na pawang nakasilid na sa body bags mula sa natupok na istruktura ang inilabas ng mga BFP personnel sa isinagawang sweeping operation.
Kabilang sa mga kumpirmadong nasawi ang dalawang sanggol at buntis.
Sa paunang imbestigasyon, “faulty electrical wiring” ang nakikitang dahilan ng sunog ang sa ikatlong palapag ng naturang istruktura.