SA gitna ng walang puknat ng reklamo sa kapalpakan at katiwalian ng mga kawaning nakadestino sa mga pangunahing paliparan, muling iginiit sa Senado ang panukalang magbibigay daan sa modernisadong Bureau of Immigration (BI).
Para kay Sen. Bong Go, ngayon higit kailanpaman kailangan pagtibayin ng Kongreso ang Senate Bill No. 1185 (Bureau of Immigration Modernization Act) na nagtutulak sa pagrepaso sa umiiral na reglamento, modernisasyon ng mga pasilidad at pagsala sa hanay ng mga kawani ng naturang ahensya ng gobyerno.
Sa mga nakalipas na buwan, kabi-kabilang batikos ang sinalo ng BI bunsod ng sunod-sunod na reklamo hinggil sa pera-perang diskarte ng mga nakatalang BI personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) .
“We need to modernize our BI to address the long-standing issues of corruption, inefficiency, and offloading that have plagued the agency,” saad ni Go.
“We must provide a more efficient and effective service to the public, especially to our OFWs and foreign tourists who contribute significantly to the country’s economy,” dagdag pa ng senador.
Kamakailan lang, kinondena ni Go ang isang Immigration officer na di umano’y nangikil sa isang overseas Filipino worker (OFW) na dumulog kay Immigration Commissioner Norman Tansingco matapos tumanggi magbigay ng P150,000 para sa ‘escort srrvice.’
“While we recognize the hard work and dedication of many of our government employees, we cannot tolerate those who abuse their power and betray the trust of our kababayans,” dusmayadong pahayag ni Go.
“Swift action must be taken to hold the erring officer accountable and to prevent similar incidents from happening in the future. Managot ang dapat managot. Huwag natin hayaan ang mga nang-aabuso,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng isinusulong na panukala, nanindigan si Go laban sa komikadong prosespng ayon sa kanya ay mitsa ng korapsyon.
“Existing positions of the officials and employees of the BI will be upgraded to meet the country’s rapidly increasing immigration services. The creation of new positions under the bill, would also boost the productivity and efficiency of the bureau.”
.
“Kung sakaling maisabatas ang panukalang ito, mas mapapabuti rin natin ang compensation scheme ng mga nagtatrabaho sa ahensya. Mas maiiwasan ang katiwalian, mas mabibigyan sila ng kapasidad na pagbutihin pa ang kanilang trabaho,” dagdag pa niya.