MASAMANG balita ang nakatakdang sumalubong sa mga motorista sa pagsapit ng Martes bunsod ng panibagong oil price hike sa mga produktong petrolyo.
Sa pagtataya ng mga oil players, pinakamabigat ang antas ng dagdag-presyo sa krudo (diesel) na karaniwang gamit ng mga pampublikong transportasyon tulad ng dyip at bus – P3.40 kada litro.
Nasa P2.00 naman kada litro ang inaasahang pagtaas ng gasolina habang wala naman nakikitang paggalaw sa presyo ng kerosene sa merkado.
Ayon sa mga eksperto, ang ikatlong sunod na linggong pagsipa sa presyo ng gasolina at krudo ay bunsod ng galaw inflation at industrial outputs sa Europa at Estados Unidos.
Karagdagang Balita
1M BOTANTE BISTADO SA MULTIPLE REGISTRATION
PAOCC SPOX NANAMPAL, SINIBAK NG PALASYO
DEMOLITION JOB KONTRA KAMARA, INALMAHAN