PORMAL nang nanungkulan ang bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kapalit ng paretirong Jail Director Allan Iral, ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos.
Kinilala ni Abalos ang bagong BJMP chief na si Chief Superintendent Ruel Silva Rivera mula sa Patnubay Class of 1995.
Batay sa datos ng DILG, nagtapos si Rivera sa kursong Public Safety sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Pinangunahan ni Abalos ang turover ceremony sa Camp Crame sa lungsod ng Quezon.
Bago pa man itinalagang BJMP chief, nagsilbing warden si Rivera sa mahabang talaan ng piitang pinangangasiwaan ng naturang kawanihan.
Hinikayat naman ni Abalos si Rivera na patuloy na palakasin ang rehabilitation programs ng BJMP, partikular na para sa persons deprived of liberty (PDL) na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
