SA gitna ng isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga ghost projects, tuluyan nang lumisan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) si Secretary Manuel Bonoan.
Sa anunsyo ng Palasyo, tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagbibitiw ni Bonoan, kasabay ng pagtatalaga kay Transportation Secretary Vince Dizon bilang kahalili.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. has accepted the resignation of Public Works and Highways Secretary Manuel M. Bonoan effective 1 September 2025,” saad sa anunsyo ng Malacañang.
“To lead the DPWH through this critical transition, the President has appointed Transportation Secretary Vince Dizon as the new Secretary of DPWH,” dugtong ng Palasyo.
Sa pagtatalaga kay Dizon, agad na inatasan ang bagong Kalihim na magsagawa ng “full organizational sweep” sa ahensya.
Itinalaga naman ng Pangulo si DOTr Undersecretary Atty. Giovanni Lopez bilang acting secretary sa kagawaran.
Samantala, isang independent commission ang binuo ng Pangulo para tiyakin mananagot ang mga tiwaling opisyal ng DPWH at mga kontratista sa likod ng maanomalyang flood control projects.
“This body will conduct a comprehensive review of projects, identify irregularities, and recommend accountability measures to ensure public trust in infrastructure spending,” ayon pa sa Malacañang.
