Ni Estong Reyes
MALAKI ang paniniwala ni Senador Alan Peter Cayetano na tutugunan ng e-governance ang lahat ng kinahaharap ng problema ng mamamayan laban sa mabagal, masalimuot at palpak na serbisyo ng pamahalaan.
Sa pahayag, partikular na tinukoy ni Cayetano, dating kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinalawak ang sistema sa aplikasyon ng passport na sobrang tambak nang kanyang abutan. Aniya, dapat gobyerno ang tagalutas ng problema ng mamamayan sa serbisyong kinukuha ito sa lahat ng sangay ng pambansa at lokal na pamahalaan.
“When we discuss e-governance, we have to first discuss connectivity. I believe we are all created because there is a purpose and problem that we are meant to solve. Government should be problem solvers,” wika ni Cayetano sa kanyang opening statement bilang committee chair.
Ibinahagi ng senador ang kanyang karanasan bilang Secretary of Foreign Affairs noong 2017-2018 nang tulungan niyang solusyunan ang passport backlog sa bansa.
“When I was in the DFA (Department of Foreign Affairs) sabi ko sa kanila, kapag may problema, ‘wag kayo low morale. Kasi naghahanap tayo ng problema na sosolusyunan. Hindi pwedeng nasestress tayo agad. Kung iyon ang attitude natin, hindi dapat tayo sa gobyerno,” paliwanag niya. Dagdag ni Cayetano, dapat asahan ng mga nasa gobyerno na bahagi ng serbisyong publiko ang pagharap sa mga problema at ang paglutas ng mga ito. “Kapag nasa gobyerno tayo, dapat parati tayo nag e-expect ng problema. Kasiyahan natin iyon,” wika niya.