MULING kinastigo ni Senador Risa Hontiveros ang lantaran at walang katapusang pambabastos ng China sa soberenya ng Pilipinas kabilang ang pambubully nito sa Taiwan na nagpapainit ng tensyon sa South China Sea.
“Palaging nakakabahala ang ginagawang pambubully ng Tsina hindi lang sa Taiwan, kundi pati na sa araw-araw na pambabastos niya sa soberanya ng Pilipinas,” ayon kay Hontiveros.
Sinabi ni Hontiveros na lubhang nakababahala ang umiinit na tensiyon sa Taiwan pero hindi dapat lumahok ang Pilipinas sa anumang giyera dito.
“The escalating tensions in Taiwan are worrisome but the Philippines shouldn’t be coaxed to participate in any kind of war. We have to uphold the Constitutional mandate of peace as the instrument of national policy or the abandonment of war as an instrument of national policy,” giit ni Hontiveros.
Aniya, kailangan magkaisa ang international community na pahupain at palamigin ang tensiyon sa pagitan ng US at China partikular sa paligid ng Taiwan.
“May kasabihan nga, na kapag ang dalawang elepante daw nagsagupaan eh baka mapisa nalang yung mga damo sa paa nila. Kaya magbuo na tayo ng matatag na koalisyon kasama ang mga karatig-bansa na handang magpapahinto sa anumang kaguluhan sa ating rehiyon,” anang mambabatas.
Kailangan din umanong rebyuhin ng Pilipinas ang national policy sa China dahil sa patuloy na pambabastos at panghihimasok nito sa Arbitral Tribunal, sa The Hague.
“Her incessant incursions in the West Philippine Sea have threatened the livelihood and safety of Filipinos. We should have policies that reflect our resistance against her belligerent actions,” giit ni Hontiveros.
“Should China intensify actions in Taiwan, we should also look into how to safeguard not only the Filipinos living in Taiwan but as well as those who are in the northern parts of the Philippines. Dapat ngayon palang nakasalamin na sa ating mga batas at polisiya ang ating pagtindig laban sa Tsina,” paliwanag pa ng mambabatas.
Karagdagang Balita
DEDMA: WARRANT OF ARREST KASADO VS. 4 OVP OFFICIALS
PAHABOL SA NTF-ELCAC: P7.5M ALOKASYON KADA BARANGAY
PASTOR APOLLO QUIBOLOY, DINALA SA OSPITAL – PNP