HINDI pa man ganap na humuhupa ang kontrobersiyang ipinukol ng mga eksperto sa nakalipas na halalan, muling sumentro ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay naman ng hindi maipaliwanag na P2.169-bilyong halaga ng cash advance ng mga opisyales ng naturang tanggapan ng pamahalaan noong nakaraang taon.
Batay sa pagsusuri ng COA, nakapagtala ng bonggang paglobo sa balanse at cash advance ang komisyon Disyembre 31, 2021 hanggang sa parehong buwan ng sumunod na taon.
Sa datos ng COA, malaking bahagi ng cash advances ay ibinigay sa mga opisyal ng Comelec kaugnay ng ginanap na May 2022 national at local election.
Ayon pa sa poll body, bigo ang mga tumanggap ng pera na makapagsumite ng liquidation sa takdang panahon.
“The NLE being completed on May 9, 2022, it was deemed that the purpose for which the above cash advances were granted have already been served, however, the same remain unliquidated as at Dec. 31, 2022,” saad sa isang bahagi ng COA report.