MULA SA 12.9%, mabilis na umakyat sa 14.3% ang COVID-19 positivity sa bansa, ayon sa Octa Research Group.
Paliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang COVID-19 positivity rate ay ang datos kung saan makikita dami ng mga nagpositibo base sa bilang ng mga sumailalim sa COVID-19 test.
Sa datos na isinapubliko ng Octa, lumalabas na mas mataas na 1.4% ang positivity rate kumpara noong nakalipas na linggo.
Una nang nagbabala ang naturang grupo sa di umano’y muling paglobo ng mga kumpirmadong kaso. Sa pagtataya ng Octa, papalo sa 800 hanggang 1,000 kasi ang arawang kaso sa gitna ng anila’y mas nakakahawang Arcturus variant – isang mutated strain na pinaniniwalaang dahilan ng mabilis na hawaan ng nakamamatay na karamdaman.
Sa datos ng Department of Health (DOH), isa pa lang ang kumpirmadong kaso ng Arcturus sa bansa.