ILANG araw matapos maglabas ng pahayag ang pambansang hepe ng kapulisan hinggil sa mahigpit na pamantayan bago tumaas ang ranggo, walong senior police officers ang ginawaran ng promotion.
Personal na pinangasiwaan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang pagsasabit ng ‘estrella’ sa mga bagong hirang na Police Major General na kinabibilangan nina Harold Tuzon ng Area Police Command -Eastern Mindanao, Victor Wanchakan mula Area Police Command -Western Mindanao at Rudolph Dimas ng Special Action Force (SAF).
Apat na koronel ang binigyan na rin ng isang estrella, katumbas ng ranggong Brigadier General – sina PNP-Public Information Office chief Red Maranan at ang mga dating koronel na sina Victor Arevalo, Paul Lucas, Ephraim Gurat at Roderick Mariano.
