
WALANG kahirap-hirap na nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na gumagarantiya ng bonggang regalo – tumataginting na P1 milyon sa sandaling umabot sa 101-anyos ang isang Pilipino.
Sa botong 257 pabor, [pinagtibay ng Kamara ang House Bill 7535 na naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga tinaguriang centenarians pagsapit ng ika-101 kaarawan.
Bukod sa mga centenarians, pasok rin sa makakatanggap ng cash gift ang mga lolo at lolang edad 80 hanggang 99-anyos. Sa sandaling ganap na maging batas, ang mga lolo at lolang sasapit sa edad na 80 ay tatanggap ng P25,000 – at kadagang katumbas ng unang natanggap sa tuwing makakalagpas ng limang taon.
Sa ilalim ng HB 7535, ang bawat Pilipino edad 100-anyos – kesehodang nasa Pilipinas o naninirahan sa ibang bansa ay babatiin mismo ng nakaupong Pangulo, bukod pa sa regalong P100,000.
“All Filipino centenarians who reach the age of 101 years old shall each receive a cash gift of P1 million on their birthday,” saad sa isang bahagi ng HB 7535.
Ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang inatasang sa implementasyon ng HB 7535 sakaling pagtibayin ng lagda ng Pangulo.
“With this legislation, the House of Representatives would like to honor our countrymen for their years of service to the country and for their discipline in ensuring that they live a long, healthy and fruitful life,” bukod na pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
“Of course, we also want our octogenarians and nonagenarians to enjoy this benefit while they still can without having to wait until 101 years old so we also provided a cash gift for them,” dagdag pa ng lider ng Kamara.