
ISANG linggo bago magsimula ang election period para sa nalalapit na halalang pambarangay, naglabas ng magandang balita ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga pol workers – dagdag-honoraria para sa mga poll workers.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, makakatanggap ng P10,000 (mula sa dating 6,000) bilang honoraria ang mga gurong magsisilbing chairperson electoral board sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa kalatas ng ahensya, P9,000 naman ang inilaan ng poll body sa iba pang miyembro ng electoral board.
Sa mga lugar kung saan isasabay ang plebisito tulad ng Bulacan, may karagdagan pa aniyang P2,000 inilaan ang ahensya.
Dadag P2,000 rin ang tatanggapin ng mga poll workers sa Naga at Muntinlupa City kung saan ikinasa ang ‘early voting hours’ para sa mga buntis, senior citizens at persons with disabilities (PWD).
Garantisado rin ayon kay Garcia ang P9,000 honoraria sa DepEd Supervisor Official (DESO) habang P5,500 naman ang honoraria para sa mga support staff.