
WALANG aasahang umento sa buwanang sahod ang mga empleyado ng pamahalaan batay sa 2024 National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng Department of Budget (DBM) sa Kongreso.
“It is disappointing that in the proposed budget for 2024, the administration has zero allocation for salary increases of all government employees. This year, the implementation of the Salary Standardization Law V will end and the government is supposed to include in its proposal the next round of increases”, ayon kay Vladimer Quetua na tumatayong Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Una nang iminungkahi ng ng ACT ang P50,000 entry-level pay para sa mga guro at P33,000 sa Salary Grade 1 employees.
Sa deliberasyon ng pondo, kinuwestiyon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Budget Secretary Amenah Pangandaman kung bakit walang nakalaang alokasyon para sa umento ng sweldo ng mga empleyado ng gobyerno at mga guro.
Sagot ni Pangandaman, sa operating expenses ng gobyerno napunta ang malaking bahagi ng pambansang badyet.
Sa kasalukuyan, ayon pa sa DBM Secretary karamihan ng pondo ay ilalagay ang alokasyon sa mga rehiyon habang ang iba pa ay sa iba pang bahagi ng kapuluan at central office.