
PARA sa Philippine Coast Guard (PCG), malinaw na kataksilan sa bayan ang ginagawang pagtatanggol ng ilang opisyal ng pamahalaan sa mananakop.
“If you are a Filipino, whether in government or private sector, regardless of your politics, defending and making excuses for China’s aggressive behavior should deem you unpatriotic, and a traitor to the Philippines and to our people,” matalas na salitang binitawan ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela.
Paglilinaw ni Tarriela, kanilang kinikilala ang karapatan ng lahat na magpahayag. Gayunpaman, hindi angkop na gamiting palusot ang naturang karapatan sa usapin ng nakaambang pananakop ng China.
Patutsada pa ng opisyal, hindi magandang ehemplo sa mga kabataan ang ilang opisyal na mistulang tagapagsalita ng China sa tuwing tinatalakay sa usapin sa West Philippines Sea.
Panawagan ni Tarriela sa sambayanang Pilipino – magkaisa sa paghahayag ng saloobin laban sa agresibo at kabi-kabilang paglabag ng China sa WPS.
“Together, we should stand united in protecting our nation’s interests and pursuing a peaceful resolution to the issues. Dahil sa West Philippine Sea ang yaman nito ay para sa Pilipino,” giit ni Tarriela.
Wala naman partikular na pangalang binanggit si Tarriela.