INIUTOS ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagpapakulong kay dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang sa loob ng 30-araw matapos parusahan ng contempt sa paglabag sa batas ng panel.
Inakusahan si Tumang ng komite na nagpakalat ng detalye ng executive session sa imbestigasyon ng illegal na droga.
Hindi tinatalakay sa labas ng ehekutibo ang napag-uusapan sa executive session. “To be consistent and fair with the others who were also cited for contempt for similar violations of our rules, may I move that we [also] cite former Mayor Tumang for contempt,” sabi ni Antipolo Rep. Romeo Acop sa hearing.
Inaprubahan ni committee chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte at miyembro ng panel ang mosyo.
Sa kalatas, sinabi ni Barbers na nilabag ni Tumang ang Section 7 ng batas ng kapulungan na nagbabawal pag-usapan sa publiko ang anumang napag-usapan sa executive session.
Ikukulong si Tumang sa House of Representatives.