
PARA sa People’s Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL Party), higit na angkop magluklok ng mga progresibong lider sa Kongreso sa pagsapit ng 2025 midterm election sa Mayo ng susunod na taon.
Sa ginanap na pulong, partikular is isinusulong ng PolPHIL ang napipintong pagsabak sa pulitika ng 81-anyos na dating pari – si Edicio dela Torre, isang political detainee at convenor ng West Philippines Sea – Atin Ito Coalition.
Ayon kay Rodolfo ‘ Kid’Cañeda na tumatayong national chairman ng partidong PolPHIL, nagpasya ang partido suportahan ang senatorial bid ni dela Torre sa magpulong ang national executive committee nitong nakaraang linggo sa Quezon City.
Kalahok sa Execom meeting ang PolPHIL Council of Elders na si Ed dela Torre, kasalukuyang Pangulo ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM); Rodolfo Salas, dating tagapangulo ng Communist Party of the Philippines Chair at ang lider manggagawang si Nilo dela Cruz.
Pag-amin ni dela Torre, hindi naging madali tanggapin ang hamon sa paghahain ng kandidatura sa posisyon ng senador. Aniya, hindi niya agad tinanggap ang alok sa pagtakbo sa halalan at sa halip ay hinikayat niya muna ang kapulungan na lumikha ng isang tunay na estratehikong pangako sa pagsali sa pakikibaka sa parlamentaryo.
“Every time the election season approaches, various social movements are active again which is a favorable condition for us to build a united front among their ranks,” wika ni dela Torre.
Paalala ng progresibong former priest, ang bawat maikling sandali ng electoral exercise ay masigasig ang mga botante at mga social movement, kasabay ng panawagan para ipaunawa ang kapangyarihan ng mamamayan at maitaguyod ang minimithing iwaksi ang “bulok” na sistemang pampulitika sa ating bansa.
Ayon naman kay PolPHIL Gen. Sec Ric Serraño, taglay ni “Tatay Ed” ang mga katangian, integridad, pagkamakabayan at panlipunang kamalayan at ilang dekada na siyang naglilingkod para sa bayan.
Higit na kilala si dela Torre sa pagtatatag ng Education for Life Foundation (ELF), isang non-governmental organization na nagsanay sa mga pinuno ng mga kilusang katutubo at aralin na halaw sa buhay at karanasan ng mag-aaral upang doon humugot ng positibong pagbabago.
Sa edad 25-anyos ay naordinahan bilang pari si dela Torre sa ilalim ng Society of the Divine Word (Latin: Societas Verbi Divini) noong Disyembre 1968.
Nagsisilbi rin siya bilang isang chaplain ng Federation of Free Farmers, organisasyon ng mga magsasaka na nakikibaka para sa reporma sa lupa.
“Ang deklarasyon ng batas militar noong 1972 ang nagtulak sa akin na sumapi sa underground resistance. Para sa aming henerasyon ng mga Kristyanong aktibista, ito ang aming binyag sa honest-to-goodness revolution, saad ni dela Torre
“Ako ay isang pari mula 1968 hanggang 1987, nang ilabas ng Vatican ang aking laicization paper (kautusang pagtitiwalag sa pari).”