TALIWAS sa paandar ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tuloy ang dagdag-singil sa buwanang konsumo ng mga mamamayan bunsod ng pagsipa sa halaga ng enerhiya sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa tuwing kinakapos ang power supply.
Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), hindi maiiwasan ang pagtaas sa buwanang singil ng mga power distributors, kaya naman mungkahi ERC Chairperson Monalisa Dimalanta sa mga distribution utility corporations – makiusap sa supplier na gawing hulugan ang antas ng pagtaas sa singil ng kuryente.
“Umaapela kami sa ating mga distribution utilities na magkusa na silang makipag-usap sa kanilang suppliers,” wika ni Dimalanta sa isang pulong balitaan.
Sa sandaling ayunan ng suppliers ang hirit na “installment,” inaasahan naman na hindi mabibigla ang mga konsyumer sa epekto ng dagdag-singil sa kuryente.
Gayunpaman, iba naman ang pananaw ni House Minority Leader at ACT Teachers partylist Rep. France Castro.
Aniya, trabaho ng ERC na agad tumugon sa nagbabadyang power supply shortage bago pa man tuluyang maging krisis.
Para kay Castro, makupad ng ERC sa pagsuspinde ng WESM para maiwasan ang pagtaas sa presyo ng kuryente.
“Dapat two to three days pa lang na nag-red and yellow alerts suspended na agad ang WESM hindi ‘yung inantay pa para kumita ng husto ang mga gencos (generation companies) na ito na sila mismo ang dahilan ng pagbagsak ng supply ng kuryente,” hirit ni Castro.
“Pumalpak na, sila (gencos) pa ang kumita tapos ang kawawa ang consumers na tatamaan ng electric bill shock. Nangyari na ito noong 2013 at inuulit na naman nila ang modus nilang ito ngayon.” pagtatapos ng militanteng kongresista.
I’m really enjoying the design and layout of your blog.
It’s a very easy on the eyes which makes it much
more enjoyable for me to come here and visit more
often. Did you hire out a designer to create your theme?
Exceptional work!
Howdy! Someone in my Facebook group shared this website with us so I came to look it over.
I’m definitely enjoying the information. I’m book-marking and will be
tweeting this to my followers! Superb blog and brilliant design and style.
What’s Taking place i am new to this, I stumbled upon this I have
discovered It positively useful and it has helped me out loads.
I hope to give a contribution & help other users like its aided me.
Great job.