ALINSUNOD sa direktiba ng Pangulo kaugnay ng mga bakanteng pwesto sa gobyerno, umapela ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamunuan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na unahin ang mga empleyadong pasok sa kategorya ng contract of service (COS) at job order (JO) para sa mga permanenteng posiyon.
Partikular na tinukoy ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang aniya’y walong porsiyento sa dalawang milyong plantilla positions na hindi pa rin napupunan sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan..
Una nang naglabas ng direktiba ang Palasyo sa mga ahensya ng pamahalaan para sa pagpapalawig hanggang sa Disyembre sa trabaho ng mga COS at JO.
Panawagan ni Pangandaman sa mga COS at JO – wag palampasin ang pagkakataon para maging permanente ang trabaho.
