TALIWAS sa mga pahayag ni tinuran sa mga nakalipas na araw, walang former President Rodrigo Duterte na nagpakita sa pagpapatuloy ng mga pagdinig ng Kamara sa madugong giyera kontra droga.
Sa liham na ipinadala ni Atty. Martin Delgra sa Kamara, masama di umano ang pakiramdam ng dating pangulo.
“Unfortunately, despite his keen intention to attend, my client respectfully manifests that he cannot attend the public hearing set on 22 October 2024. Aside from the short notice given him, my client just arrived in Davao from Metro Manila last 17 October 2024. Considering his advanced age and the several engagements he had to attend, he is currently not feeling well and is in need of much rest,” saad sa liham ni Delgra na tumatayong abogado ng dating pangulo.
Gayunpaman, nilinaw ng abogado ni Duterte na handa ang dating pangulo humarap sa Kamara — pero pagkatapos na lang aniya ng Undas.
Nauna rito ay kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na natanggap na ni Duterte ang imbitasyon ng Quad Committee.
Samantala, kumbinsido si Senador Ronald dela Rosa na mas pipiliin ni Duterte dumalo sa pagdinig ng Senado kesa sa Kamara kaugnay ng mga kontrobersyal na madugong giyera ng nakalipas na administrasyon kontra droga.
